Tuesday, February 1, 2011

Puso'y Sinaktan



Kay sakit naman nitong puso ko
Na para bang tinuhog at nagdurugo
Di makayanan itong ginawa mo
Na tila ba gumuho itong aking mundo

Kung iyo lamang alam ang nararamdaman,
Nitong puso kong lubos mong sinaktan
Iyong pinaiyak, iyo ring nilisan
Nararapat lamang na ika'y kalimutan

Ika'y di na sana inibig pa
Sapagkat kalungkutan iyong dala
Sa puso kong tunay na mahal ka
Tuloy ako ngayon ay lumuluha

Kaya ngayon ika'y akin ng palalayain
Sapagkat pighati ang hatid mo sa akin
Pangako ika'y di na muling iisipin
Mangangarap na lamang ng bagong iibigin

                                                        
                                                                   -Menith

No comments:

Post a Comment