Saturday, January 29, 2011

Pamilya



Isang pamilya kung kanila'y tawagin
Itong tahanang mga tao'y kapiling
Nakatira'y ama, ina, mga supling
Pagmamahal sa isa't-isa ang bilin.

Ama ang humahaligi sa tahanan
Nang di mabuwal ng bagyong daraan
Ilaw ng tahanan itong inang uliran
Upang liwanag ng buhay makamtan

Mga supling nama'y hatid ay tuwa
Kaligayahan ng magulang ay nasa
Ama't ina nama'y lubos ang tuwa
Sa kanilang anak na kaaya-aya

Di kailanman maibubuwal ng bagyo
Pamilyang sa isa't-isa'y may pintuho
Kahit subukin man ng buong mundo
Basta't pagmamahal nangingibabaw rito

Tahanang mga tao'y nagkakaisa
Kay ganda nilang pagmasdan diba?
Ligya sa poon ang kanilang dala
Datapwat tunay na tawaging pamilya.

                                                              
                                                                               -Menith

No comments:

Post a Comment