Monday, January 24, 2011

Paglilingkod

Our Lady of Lourdes Parish Church, Bangkal Davao City, Philippines



Sa pag duyan ng alapaap sa hangin
Banaag ng haring araw ay natatanaw
Batid ng puso ko Panginoon ako’y sayo
Batingaw ng simbahan ang nagsasabing tinatawag mo ako


Ang iyong pagmamahal O Diyos ang nagbigkis sa akin
Na mag lingkod  sa ngalan ng iyong kabanalan
Kapangyarihan mo ang nag taliba
Sa gayo’y mamutawi taimtim na dalangin
Upang hapis ng sangkatauhan ay iyong hagurin….


Indayog ng bawat huni ng ibon
Ang nagpapahimlay sa aking mga mata
Ang lunggating mabanaagan ka kahit sa pagtulog
Ang syang nagpalambot ng  tigang na mga puso




At sa yapos mo lamang nakatigahaw
Ikay pakamamahalin, Panginoon buong buhay ko.


                                                                            -Marikit

No comments:

Post a Comment